Kinuwento ni Chrissy saken ang plot ng One True Love (movie ng GMA Films). God made it a way to change my life.
Dito ko din narealize na kapag magsusulat ka ng script, mas maganda kung bago ang tema. Hindi pangkaraniwang naririnig sa bibig nang kung sinong nagpapayo. Tulad nang “Ang pag-ibig ay hindi pinagmamakaawaan.”
One True Love. Ano nga ba ito? Babalik akong muli sa definition ko ng love. Ito ang 1 Corinthians 13.
Love is patient.
Ang pag-ibig ay hindi lang paghihintay. Ito ay tungkol din sa kung paano ka maghihintay.
Akala ko, dahil marunong ako maghintay, marunong na ako umibig. Hindi pala. Dahil madalas akong naiinip at nagagalit sa aking paghihintay.
Ang pag-ibig, hindi pinagmamakaawaang dumating kapag naiinip ka na talaga sa kahihintay. Kusa ito ng dumadating at ibinibigay. Ito ang damdaming dapat irespeto kung ayaw ibigay sayo.
Dito papasok ang misteryo ng pag-ibig.
Babae. Iba tayo umibig. Naghihintay tayo ng iibig sa atin. Kapag may humingi ng pag-ibig natin, saka natin ibibigay (depende kung gusto mo ang lalake). Pero kung hindi ka gusto ng gusto mong pag-alayan ng pag-ibig, hindi tayo manliligaw. Maghihintay tayo. Ire-reserve natin ang ating pag-ibig hanggang dumating ang taong gusto nating ibigin.
Ito ang tunay na pag-ibig para sa akin.
Pero kung isa kang taong open-minded, na okay lang sayo ang manligaw ang babae, ikaw ang taong naniniwalang ang babae at lalake ay may pantay na karapatan sa lipunan. Kung ikaw ay lalaking ganito ang paniniwala, dapat ay hindi ka matu-turn off sa mga babaeng marunong manligaw at kailangang seryoso kang makikipagrelasyon sa mga ganitong klase ng babae.
Sa US pa lang ako nakikita ng ganitong posibilidad.
Wala ako sa US.
Halimbawa’y nag-text sayo ang lalaking mahal mo. Wala kayong relasyon. Hindi siya nanliligaw. Anong dapat ang maging reaksyon?
Ako? I will make sure he wants us to be friends first.
Hindi ako dapat mag-assume na the guy likes me that is why he is texting me.
Papaano kung may kailangan lang pala siya kaya nagtetext sayo? Tutulungan mo ba?
Ako? I will check my motive first. Tutulungan ko ba siya para magustuhan niya ako? Maghihintay ba ako ng kapalit kapag tumulong ako? O tutulungan ko siya dahil gusto ko tumulong?
Kung oo ang sagot mo sa unang dalawang tanong, huwag ka na tumulong. Tigilan mo na mag-isip ng irereply.
Prinsesa. Ang bawat babae ay nararapat lang ituring na isang prinsesa.
Let me share a story from the movie that enlightens my mind about love.
May isang prinsipe at may tatlong prinsesa. Sabi ng prinsipe kung sino ang pinakamagaling magmakaawa sa tatlong prinsesa, siya ang pakakasalan niya.
Yung una, umiyak, lumuhod, nagmakaawa.
Yung pangalawa, sumayaw, kumanta.
Yung pangatlo, walang ginawa.
Nanalo ang pangatlo. Dahil ang pag-ibig hindi pinagmamakaawaan. Kusang ibinibigay. Hindi yumuyuko kahit sa prinsipe o hari.
Ang istoryang ito ay narinig ko sa tamang panahon. God wants me to be a princess.