Author Archive for chreesthal

06
May

Unashamed to share the Gospel

I prayed to God that I want to join the conference and it was an answered prayer. This Unashamed conference with Youth Prophetic and Apostolic Institute was held in Good News Church in Lucena City. ‘Twas a 5-day conference. Kasama ko kapatid ko (Joshua), Nok-nok, Paul, Jean, Jho, Kristelle, Kuya Noel, and Dennis.

There were so many painful things happened in my life and I was seeking for God’s direction. I was thinking to quit job. I was struggling with relationships. I knew from the very start that God has big plan in my life but I was lost in the plan. Until this conference came. God reminded me the dreams He gave me and He said He heard all the prayers I uttered before. He said all of my tears were not wasted.

God gave me an impression that He is really calling me for missions, which is my dream ever since I was young. I had a vision I will go to an “unreached” country where the love of God is not yet heard. I believe it is my calling and it is what God wants me to do and I believe God is the One who will make a way to fulfill it. Nung una, ayoko talaga mag-evangelize. Gusto ko na umuwi kasi naiisip ko hindi ako mag-eenjoy. Pero nung andun na ako, sobrang nagenjoy ako at na-feel ko na yun talaga ang gusto ng God na gawin ko sa lahat ng oras na ilalagi ko dito sa mundo. It felt like heaven.Feeling ko ako na ang second Rachel Joy Scott.

I declare I will be able to make right decisions in life and walk at my talk. I also declare that I will continue to seek God’s face all the days of my life. Tama yung sabi sa presbytery, madami akong magiging struggles sa pagiging missionary. I pray for God’s strength and protection for evangelists as we double our time to share the love of God. Christians are meant to die for JESUS.

11
Feb

Yeah! All the praise goes out to You!

Tama nga ang sabi ng  kanta na nasa media playbox ko. Yeah! All the praise goes out to You!

Ang damin nangyari ngayong araw. Actually, ngayong linggo. Hindi ko namalayang tapos na naman ang isang linggong pagtatrabaho. Gusto ko nga yung ganun kaso napansin kong ubos na naman ang pera ko. San napunta? Hindi ko alam. Pero alam ko nabigyan ko naman ang mga dapat at hindi dapat big yan. Hehe.

13thou? San napunta? Magkanong natira? Nakakahaggard isipin. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong manghinayang.

Mga taong nabigyan ko, mommy, Owa, Inay, tatay. Nakabili ng tsinelas sa Liliw. Nakapagphoto shoot sa Greenbelt. Nakanood ng Marley and Me at When I Met  You sa Glorietta. Nakatulog sa bahay nina Denis. Nakabili ng 2 DVD.  Nakabili ng Para kay B book. Nagbayad ng bahay. Nakabili ng Lock&Lock na inuman. Nakapalaro ng gitara at drums sa Timezone. Ano pa ba? Ayun lang? Muntik na bumili ng contact lens at magpa-rebond ng buhok. Walang bagong damit.

Even though medyo nakakadepress ang nangyari sa pera ko, wala akong regrets dahil desisyon ko naman yun lahat. Kung may nagagalit saken dahil gastador ako, pasensya na at huwag kang mag-alala.  Mag-iipon na ako next payday. Seryoso.

Kay God pa din ako humihingi ng kakayahan para makapag-save. All the praise  goes  out to Him.

26
Nov

One True Love for a Princess

Kinuwento ni Chrissy saken ang plot ng One True Love (movie ng GMA Films). God made it a way to change my life.

Dito ko din narealize na kapag magsusulat ka ng script, mas maganda kung bago ang tema. Hindi pangkaraniwang naririnig sa bibig nang kung sinong nagpapayo. Tulad nang “Ang pag-ibig ay hindi pinagmamakaawaan.”

One True Love. Ano nga ba ito? Babalik akong muli sa definition ko ng love. Ito ang 1 Corinthians 13.

Love is patient.

Ang pag-ibig ay hindi lang paghihintay. Ito ay tungkol din sa kung paano ka maghihintay.

Akala ko, dahil marunong ako maghintay, marunong na ako umibig. Hindi pala. Dahil madalas akong naiinip at nagagalit sa aking paghihintay.

Ang pag-ibig, hindi pinagmamakaawaang dumating kapag naiinip ka na talaga sa kahihintay. Kusa ito ng dumadating at ibinibigay. Ito ang damdaming dapat irespeto kung ayaw ibigay sayo.

Dito papasok ang misteryo ng pag-ibig.

Babae. Iba tayo umibig. Naghihintay tayo ng iibig sa atin. Kapag may humingi ng pag-ibig natin, saka natin ibibigay (depende kung gusto mo ang lalake). Pero kung hindi ka gusto ng gusto mong pag-alayan ng pag-ibig, hindi tayo manliligaw. Maghihintay tayo. Ire-reserve natin ang ating pag-ibig hanggang dumating ang taong gusto nating ibigin.

Ito ang tunay na pag-ibig para sa akin.

Pero kung isa kang taong open-minded, na okay lang sayo ang manligaw ang babae, ikaw ang taong naniniwalang ang babae at lalake ay may pantay na karapatan sa lipunan. Kung ikaw ay lalaking ganito ang paniniwala, dapat ay hindi ka matu-turn off sa mga babaeng marunong manligaw at kailangang seryoso kang makikipagrelasyon sa mga ganitong klase ng babae.

Sa US pa lang ako nakikita ng ganitong posibilidad.

Wala ako sa US.

Halimbawa’y nag-text sayo ang lalaking mahal mo. Wala kayong relasyon. Hindi siya nanliligaw. Anong dapat ang maging reaksyon?

Ako? I will make sure he wants us to be friends first.

Hindi ako dapat mag-assume na the guy likes me that is why he is texting me.

Papaano kung may kailangan lang pala siya kaya nagtetext sayo? Tutulungan mo ba?

Ako? I will check my motive first. Tutulungan ko ba siya para magustuhan niya ako?  Maghihintay ba ako ng kapalit kapag tumulong ako? O tutulungan ko siya dahil gusto ko tumulong?

Kung oo ang sagot mo sa unang dalawang tanong, huwag ka na tumulong. Tigilan mo na mag-isip ng irereply.

Prinsesa. Ang bawat babae ay nararapat lang ituring na isang prinsesa.

Let me share a story from the movie that enlightens my mind about love.

May isang prinsipe at may tatlong prinsesa. Sabi ng prinsipe kung sino ang pinakamagaling magmakaawa sa tatlong prinsesa, siya ang pakakasalan niya.

Yung una, umiyak, lumuhod, nagmakaawa.

Yung pangalawa, sumayaw, kumanta.

Yung pangatlo, walang ginawa.

Nanalo ang pangatlo. Dahil ang pag-ibig hindi pinagmamakaawaan. Kusang ibinibigay. Hindi yumuyuko kahit sa prinsipe o hari.

Ang istoryang ito ay narinig ko sa tamang panahon. God wants me to be a princess.

01
Oct

Always Thinking ’bout your Payback..

Ilang araw kitang tinetext para ipamukha sayo ang mga pagkakamali mo pero parang wala lang sayo. Sabi mo lang tapos na lahat yun. Hindi ko na dapat binabalikan at inuulit-ulit pa. Sabi mo huwag na akong magalit. Sabi ko hindi na ako galit pero ang totoo, galit pa rin ako. Hindi lang sorry ang hinihintay ko. Hinihintay ko na sana mag-balak ka na bumawi sa mga pagkakamali na ginawa mo. Mawawala lang ang lahat ng galit ko kung mage-effort ka na mahalin ulit ako bilang kabayaran ng mga panlalamang mo saken. Pero hindi na mangyayari yun. Sabi mo dapat maging fair ako. Ikaw ang unfair. Ako ang talo. Gusto mo pa lalo pa akong makitang talunan. Gusto mong makita akong wasak na wasak.

Nakita kita sa deal or no deal. Nakatayo ka lang dun. Ang panget mo sa TV. Ang panget pa ng suot mo, parang pang matanda. Ang boring mo talaga.

24
Sep

hayy.. nakakainis..

ano ba ang definition ng word na ‘gusto’? kasi hindi ko maintindihan yung feeling na gusto ko pero ayaw ko. narinig nyo na ba yun? siguro gusto ko dahil sa pros pero ayaw ko dahil sa cons. kaya ko ba tanggapin yung mga cons? hindi.

kaya siguro may mga taong nagtwo-two time.

Nakakainis. Hindi ko talaga kaya tanggapin ang mga cons. At ayoko subukang pag-aralan. Saka na pag matanda na ako.

16
Aug

My new blog site

http://yntal_07.bravejournal.com/

01
Jun

pampaaral showcase..

Let us blog in english. Hehe.Ü Joke.

Ang dami ko nang hindi na-blog. Sabi ko pa naman magb-blog ako kada may special event in my life. Hehe.Ü Hindi ako nakapagblog simula nang natanggap ako sa PS. Napansin ko din wala man lang akong na-blog about kay elmer. Naku, baka kung ano naman ang isipn nun. Yamu na.Ü Wala din akong nablog about mga gimik namin ni Rob. Ang shoehunting namin ni Jen.. Ang pagbili ko ng computer.. Ang pagbili ko ng chucks..

Nagfiesta nga pala samin. Umuwi ako at hindi ko akalaing matutulog lang ako ng buong araw ng fiesta. Hindi ko pa kasi nababawi yung puyat namin ni Owa at Glecy sa panonood ng Hillsong. Naligaw pa si Owa sa Buendia! Haha.Ü

Ok. Blog proper.

First time ko mag-net dito sa Guadalupe. At malapit na rin ako lumipat ng bahay. Hindi ko nga alam kung nabigla lang ako sa paglipat o dahil kinailangan ko lang talaga na gamitin ang advance at deposit ko sa condo para mabili ang computer na yon. Grabe. Lilipat ako sa may Washington. Walking distance lang sa office. Bumabaha daw dun. Pero feeling ko mas makakatipid ako pag lumipat ako. Ang kaso mas malapit na ako sa Glorrietta. Sa SM Makati. Patay. Ewan ko na. Magaaral na ang Owa. Tapos ang maliligayang araw ni Intal. Pero makakatambay na ulit sa Elbi.Ü Hehe.Ü Makakapamboys. Hehe.Ü

I am considering going to abroad. Wala lang. For a change. God, gusto mo ba yun? Hintay ko sagot mo ha.Ü

26
May

Hillsong United Concert experience!

Last night, I attended a worship service at Araneta. And guess what. With Hillsong United Team! It is one of the memorable nights of my life. I really want to be as passionate as them in serving God and sharing His love to others through their talents. I really can’t imagine that i heard them sing live because I usually see them singing and worshiping God in DVD. I was really amazed how God annointed this people. It is one of a kind. Even at young age, they can share God’s love throughout the world by their music and it is making difference. I was there guys! Haha.Ü

This is a great song sang by the only girl on the worship group that night. Let me share it with you.

Verse 1
I see the king of glory
Coming down the clouds with fire
The whole earth shakes, the whole earth shakes
I see his love and mercy
Washing over all our sin
The people sing, the people sing

(Chorus:)

Hosanna, hosanna
Hosanna in the highest

(Verse 2:)

I see a generation
Rising up to take the place
With selfless faith, with selfless faith
I see a new revival
Staring as we pray and seek
We’re on our knees, we’re on our knees

(Bridge:)

Heal my heart and make it clean
Open up my eyes to the things unseen
Show me how to love like you have loved me
Break my heart for what is yours
Everything I am for your kingdom’s cause
As I walk from earth into eternity

12
May

Ang saya kahapon kasi galing kami ni Jen sa Glorietta. Namasyal kami. Kasi dapat kukunin ni Jen yung TIN ID niya kaso hindi naman niya dala yung form na may pirma ng employer nia. Hay ewan ko ba dun kung bakit di dinala.. Tapos nagpunta na kami ng SM. Kawawa si Jen kasi wala na namang available na gusto niyang shoes sa Mario d Boro. Nadepress tuloy ang gaga. Hehe. Tapos kumain kami sa Shakey’s. Di namin naubos yung mojos kasi busog na ako e. Kumain pa kasi kami ni Glecy nun sa Reyes Barbeque sa RCBC. Nakita pa namin si Alex. Sabi ko kay Jen break na sila ni Allan pero ayaw niya maniwala. Ayan, nakita tuloy namin yung dalawa. Tapos wala nang masakyan si Jen kasi ang arte. Gusto niya aircon. E di pumunta pa kami ng Guadalupe para din siya sumakay. Ayun. Katext ko pa rin siya kaya na late ako ng gising. badtrip. 20 mins late ako. Buhay buhay.. Parang life.

11
Jan

nostalgia

haru haru.. i miss the last few years i spent in san pablo.. i mean ung araw-araw na nasa san pablo ko.. gala dito, gala doon. ngaun aalis na c dennis. sasakay na ulit siya ng barko. cia lng nakakasama ko maggala e pag umuuwi ako. hayy.. para aqng mapipilayan pag umalis tong mokong na to. kc naman kung bakit wala aqng boyfriend na taga san pablo para may kasamang maggala at para may manlibre saken. hehe.Ü anyway, lahat ng nging boyfriend q are taga san pablo. maybe that’s why boyfiend ang hanap ko pag gagala aq. lahat cla nakalaro ko sa bilyar at nakalaro ko ng computer game. except for those na 3days to 1week q lng nging bf. well, gnun tlga.. ksama lng maggala ang sense ng bf sken. kya super nostalgia ito. kc naman kung bkit kmi tinuruan maggala nung high school. un bang tipong pag fiesta e kmi ang sasayaw sa plaza ng madaling araw.. tpos sa church madalas din magconcert na inaabot din ng madaling araw. so hinahanap-hanap ko din talga maggala ng madaling araw. tsk tsk.. aalis na c dennis next week. di ko alam kung anong mangyayari sken. siguro maghahagilap aq ng botfriend ngaun. haha.Ü or ndi nlang aq uuwi madalas at magshopping galore na lang. which means gastos. hayy. tatlo lang naman ang pagpipilian e. ang gumala with boyfriend, and magshopping o mabato. un nga lang, ung dalawang nauna ay may consequences, ung huli parang wala. o meron din. ang mabaliw.