Archive for February, 2009

11
Feb

Yeah! All the praise goes out to You!

Tama nga ang sabi ng  kanta na nasa media playbox ko. Yeah! All the praise goes out to You!

Ang damin nangyari ngayong araw. Actually, ngayong linggo. Hindi ko namalayang tapos na naman ang isang linggong pagtatrabaho. Gusto ko nga yung ganun kaso napansin kong ubos na naman ang pera ko. San napunta? Hindi ko alam. Pero alam ko nabigyan ko naman ang mga dapat at hindi dapat big yan. Hehe.

13thou? San napunta? Magkanong natira? Nakakahaggard isipin. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong manghinayang.

Mga taong nabigyan ko, mommy, Owa, Inay, tatay. Nakabili ng tsinelas sa Liliw. Nakapagphoto shoot sa Greenbelt. Nakanood ng Marley and Me at When I Met  You sa Glorietta. Nakatulog sa bahay nina Denis. Nakabili ng 2 DVD.  Nakabili ng Para kay B book. Nagbayad ng bahay. Nakabili ng Lock&Lock na inuman. Nakapalaro ng gitara at drums sa Timezone. Ano pa ba? Ayun lang? Muntik na bumili ng contact lens at magpa-rebond ng buhok. Walang bagong damit.

Even though medyo nakakadepress ang nangyari sa pera ko, wala akong regrets dahil desisyon ko naman yun lahat. Kung may nagagalit saken dahil gastador ako, pasensya na at huwag kang mag-alala.  Mag-iipon na ako next payday. Seryoso.

Kay God pa din ako humihingi ng kakayahan para makapag-save. All the praise  goes  out to Him.