Archive for October, 2008

01
Oct

Always Thinking ’bout your Payback..

Ilang araw kitang tinetext para ipamukha sayo ang mga pagkakamali mo pero parang wala lang sayo. Sabi mo lang tapos na lahat yun. Hindi ko na dapat binabalikan at inuulit-ulit pa. Sabi mo huwag na akong magalit. Sabi ko hindi na ako galit pero ang totoo, galit pa rin ako. Hindi lang sorry ang hinihintay ko. Hinihintay ko na sana mag-balak ka na bumawi sa mga pagkakamali na ginawa mo. Mawawala lang ang lahat ng galit ko kung mage-effort ka na mahalin ulit ako bilang kabayaran ng mga panlalamang mo saken. Pero hindi na mangyayari yun. Sabi mo dapat maging fair ako. Ikaw ang unfair. Ako ang talo. Gusto mo pa lalo pa akong makitang talunan. Gusto mong makita akong wasak na wasak.

Nakita kita sa deal or no deal. Nakatayo ka lang dun. Ang panget mo sa TV. Ang panget pa ng suot mo, parang pang matanda. Ang boring mo talaga.