I know I am strong but how can I show it?
Everytime na napapaisip ako kug anong gusto kong mangyari sa life ko, nakokornihan ako. Dito lang ako sa blog bumabalik.
Nakakatawa.
Kakaresign ko lang nung lunes. Andun pa sa ortigas ang mga gamit ko. Nilayasan ko lang basta yung koreano. God, what’s your will? I admit, hindi ko alam. Hindi ako nagpray nung time na tinanggap ko yung trabaho. Isa pa, oo lang ako ng oo. Hindi ako marunong humindi. Ewan ko, bakit di ako nabigya ng talent na magsabi ng "no."
Hindi ako makapagdecide kanina kung magaaply ba ako sa makati o hindi. Pero biglang dumating si ate marsha para makisuyo na ibigay yung atm ni ate margz. Hapon na noon. Of course, hindi ako humindi. After ate marsha went out of our house, natanong ko si God, "God, is this your way to tell me that I must go?" Naisip ko pa, kahit hindi ako nagppray, nangungusap pa rin ang God saken.
Sabi ng God saken knina, "Don’t worry. You are my child."
Wow. Nakakarelieve ng feeling.
0 Responses to “God… I miss you”
Leave a Reply