Archive for October 7th, 2006

07
Oct

Dear Blog, (dated 10/04/2k6 10:00pm)

Grabe talaga ang destiny. Masyado kaming close ngayon. Ilan
beses ako naredeem sa mga deadlines. Nakakahiya na. Feeling ko ang kapal ng
mukha ko para bigyan ako ng ganitong kahabang break. Akala ko nakakalamang na
ako sa ibang estudyante dahil dalawang araw lang ang padok ko sa isang linggo
with a normal load. Yun pala, mas may gagrabe pa dun! It’s like a vacation
within a vacation!

Aba

. San ka pa?

Anyway, bakasyon kung bakasyon. Kaya thankful na rin ako kay
God dahil binigyan niya ako ng oras which is enough para ma-career ko ang major
paper ko. All I have to do is to manage the time given to me very wisely.

Ang sarap ng bakasyon ko! Nasa BF Homes ako sa Parañaque the
whole week with Ate Cel and Kuya Jc. Dream come true para sa akin ang mag-stay
doon dahil tahimik ang place! Haay.. Nag-enjoy talaga ako. Narealize ko na mas
nagiging imaginative ako pag tahimik ang paligid.. kapag kokonti ang taong
kasama… at as long as may katext kang may sense.. Hehe..

Sana

ganito lagi
ang buhay. Di ako magsasawa sa tahimik na lifestyle. Besides, the more na
mae-exercise ko ang imagination ko, the more chance na makabuo ako ng isang
obra na makapagpapabago sa ikot ng mundo.

Malayo ako ngayon sa mga pressures—sa bahay at sa school. Haay..
Total relaxation talaga ito! Both utak and isip.

Ngayong may allowance na ako, kailangan ko naming matutunan
ang tamang pagbubudget ng pera, ngayong kamakailan lang ay nagkaroon ako ng
konsepto kung paano ito.

Lahat ay nasa ayos.