15
May
06

welcome to the blog world intal! We missed you! :)

After a long weekend, nandito na naman ako sa aurora tower. Haha.. Kamoteng letsugas..
Bkit ganun? Hindi na ako excited mag-mrt. Yan tuloy, hindi na ako magising-gising ng maaga. Cguro kasi.. hindi na ito extra challenge para sa akin. Wala nang thrill. I want a new adventure! Parang gusto ko tuloy maghike sa peak-two kahit mag-isa. Haha.. Kelan kaya matutupad?
Nakakatuwa naman ang pag-absent ko kahapon. Na-very good pa ako ng boss ko! Haha.. Kmusta naman yon.. At kamusta din ang boses ko kahapon. Ang ganda! Gusto ko kasi ang boses ko pag paos. Si Kuya Jason ang nakapansin.
Hindi na ako masyado nagkakakain, lumalaki na ang bilbil ko. Ininom ko kagabi ung green tea na binili ko sa farmers last last week with mark. Unti-unti ko nilalasap ang walang lasang tsaang iyon habang nanonood ng majika. (Nabuksan ni Kokoy ang larawang daan papunta sa saladin!! Haha). Nakapagtataka ang asim na nararamdaman ko sa aking sikmura pagkatapos ko inumin ang tsaa. Anyway, OK lang. Basta sana maging slim na ko!!! Haha..
Habang nanonood ako ng tv kahapon, naalala ko na naman ang blog. Letsugas.. Hindi na naman ako titigilan ng pag-iisip nito.
Naalala ko rin ang mga dasal na inusal ko noong isang araw. Nasa swimming kami noon with some COF friends (ahem..). "God, alam nyo po ang sitwasyon ko ngayon. God, I’m weak. Hindi ko po ito kaya mag-isa but by your side I’m strong. God, guide my emotions and actions. Sana po tulungan nyo ulit ako." Grabe tol! Epektib! Special thanks to Mr. Mon Magallanes for being my prayer sponsor. Haha..
Gusto ko umiyak. Pumunta sa CR at humagulhol.
Kung alam lang niya ang iniisip ko ng mga panahong magkausap kami. "Gusto kaya niya pag-usapan ang girlfriend niya? Uhm… Wag na lang. Bakit kaya ganun siya makatingin. Nakakainis naman. "Emo" na "emo" na talaga siya. Wala masyadong pinagbago. Ano na ba ang mga naikwento ko! Masyado na naman ako nagiging madaldal. Ang tagal na bago ulit ako nakadaldal ng ganito."
Masaya. Nakakatuwa. Hindi ko nga pala naitanong kung napanood niya ang performance ni G-cleff sa pinoy pop superstar. Haha..
Kain. Tulog. Gigising ng maaga. Malapit na matapos ang OJT ko. Paalam world of blogs! Paalam.. Babayad na ako sa susunod na linggo na magbblog ako.
Whaaa.. "Excited ka basahin ang friendster message niya noh?", sabi ng utak ko. "Hindi ah! Who cares???" At bigla akong kinantahan nito ng "Great Pretender".  "Bkit ka ganyan makasagot? As if d ko alam ang totoo noh! C utak to, remember?" Haha.. At sabay kami tumawa.
Hmmm.. hmmm.. (naghuhumm ako ng kanta buong maghapon. Chorus ng "The Best of Me". Kung sino ang kumanta, ako na lang nakakaalam. Haha..) "E bakit mo hinuhumm yang kantang yan?" "Wala ka nang pakialam. Gusto ko eh!" Pakialamero ‘tong si utak.
"Ay, wala na nga pala akong pera. Paano ako makakapasok bukas?" Hehe.. "Ok lang un! Nakastored value ka naman sa mrt db?", sabi ng epal na Utak.
"Blog blog blog blog". Ang kulit talaga nitong si utak!!
"You told me you we’re not satisfied on your blogs. oh c’mon dude! Let me write kasi!" "Oo na nga! Ikaw na nga e. Tpos ayaw mo naman magprocess pag nasa computer na ko. Lagi ka na lang naghahang! Lagi mo na lang sinasabi, sorry, information overload. Gusto mo bang ipagawa na kita sa MSC Data Exchange?" " E paano naman kc, sobra kang magisip ng blog! Sa dami ng gusto mo ilagay para maging astig ang blog mo, ndi ko na kinakaya noh! Wala ka na self-control! MSC Data Exchange? No thanks. I can tolerate my tolerance." (Ano daw?!)
Hindi talaga maasahan itong si Utak. Ano kaya kung isulat ko na ngayong gabi ang ibblog ko para itatype ko na lang pagdating sa office? Isang paraan iyon para mabawasan ang pagka-makulit niya. Pero wala ding kwenta. Si bestfriend Utak pa rin ang nasunod sa pagsusulat ko ng blog ngayon at hindi ang yellow paper na binili namin ni ate sa Kristin’s Bookstore sa San Pablo para sa paglalaro nila ng word factory.
"I’m still not satisfied with my blog, utak." "Ala, bahala ka na nga sa buhay mo." Pangarap na yata ito na hindi alam kung may katuparan. Tanging Diyos ang nakakaalam.
Cge, hanggang dito na lang. May gagawin pa kc akong mas mahalaga kesa sa pag-bblog. (Wushu.. Mas mahalaga kesa sa pagbblog? Sinungaling!) (Utak, wag ka makulit ha.) :naughty:




0 Responses to “welcome to the blog world intal! We missed you! :)”


  1. No Comments

Leave a Reply