Mamimiss ko ang MRT.
Mamimiss ko ang pagpunta ko sa Magallaness station tuwing umaga.
Mamimiss ko ang pagbili ng ticket sa fare table.
Mamimiss ko ang pagchecheck ng mga gwardya kung ano ang laman ng bag ko na lagi nilang nakikitang may lamang sanitary napkin.
Mamimiss ko ang pagsuot ng card sa machine.
Mamimiss ko ang palagian kong pagtakbo para mahabol ang unang parte ng tren kung saan palagiang kakaunti ang lamang tao.
Mamimiss ko ang mga taong kasabay kong sumasakay.
Mamimiss ko ang red cross foundation na araw-araw nagmamakaawang hulugan ang kanilang donation box.
Mamimiss ko ang mga punkistang pumipila gaya ko.
Mamimiss ko ang ngiti ng mamang nagsusukli sa fare table.
Mamimiss ko ang yellow lane kung saan hindi ka maaaring lumagpas.
Mamimiss ko ang mga timex clocks na nagsasabing "late ka na!".
Mamimiss ko ang mga billboards ng GMA 7.
Mamimiss ko ang mga safety handles.
Mamimiss ko ang pag-ugoy ng tren na kuwari ay mangangalas sa ibang parte ng tren.
Mamimiss ko ang mga kasakay kong nagaantanda ng krus.
Mamimiss ko ang pag-pito ng pulis kapag nakasakay na at nakalabas na ang dapat lumabas.
Mamimiss ko ang mga lalaking nahuhuli ng pulis dahil sa kagustuhan nilang makasakay sa reserved for female, children, elders, and disabled section of the train.
Mamimiss ko ang mga babaeng nakapormang makati.
Mamimiss ko ang pagtitinginan namin sa isa’t-isa ng mga pasahero kung sino ang uupo sa bakanteng upuan.
Mamimiss ko ang boses sadakong nagsasabi kung nasaang terminal na ako.
Mamimiss ko ang Ayala station.
Mamimiss ko ang Buendia station.
Mamimiss ko ang Guadalupe, Boni, Shaw, Ortigas at Santolan-Annapolis station.
Mamimiss ko ang Cubao station.
Mamimiss ko ang Araneta Coliseum na siyang lagi kong tinatanawan at hudyat kong malapit na akong lumabas ng napakabilis na tren.
Mamimiss ko ang kawalan ng traffic.
Mamimiss ko ang mga naggagandahang tunog ng celfone ng mga kasakay ko.
Mamimiss ko ang mga kasakay kong naka-earphones.
Mamimiss ko ang mga nakikita ko habang nasa loob ng tren.
Mamimiss ko ang mga naglalakihang billboards. Lalo na ang billboard ng Kamikazee para ipromote ang ringing tone ng kanta nilang "Narda".
Mamimiss ko ang pag-iisa.
Mamimiss ko ang pagsesenti ko sa loob ng tren.
Mamimiss ko ang stored value na ticket.
Mamimiss ko ang naka-post na "Exact fare only".
Saka ko na itutuloy, masyadong mahaba.. tinatamad na akong magtype.
Archive for May 16th, 2006
16
May