Archive for May 10th, 2006

10
May

sorry, hindi na aq nagpapaabala

nasa mrt plang aq khapon, iniisip q na kung ano ang mga salitang itatype q s keyboards na to. "anu kaya kung gawan q ng blog tong mrt? o kaya naman ung mga nakikita pag nkasakay k ng mrt? hala, ewan q." inspire n inspire aq magblog ng mga oras n iyon. kasi pakiramdam q ngaun lang ako nakakita ng kausap na iintindi s lahat ng ng sinasabi q. hindi nagrereklamo, tanggap lang ng tanggap.

hanggang pagsakay q ng bus mula magallanes hanggang sucat, blog q dito s friendster ang iniisip q. "mas masaya kaya magblog s xanga? nakita q kc ung blog ni kua kix, tpos maraming nkakamis s kanya s xanga. ibig sabihin b nun, mas marami ang nagxaxanga? anu nga b ung title ng blog q knina? mamaya pag tawag q kay mark s telepono, itatanong q s knya."

tulala aq s jip dahil iniisip q parin kung ano ang blog q para bukas. s pagtawid q s kalsada ng dela rama, at s paglalakad q s kalsada ng j. laya, s pagliko q s victor lim at sa kalsada ng manalo, naghahakot n ako ng mga salitang magandang gamitin para s blog.

pagdating q ng bahay, tiningnan q agad kung sarado n nmn ang pinto para mlaman kung magdodoor bell p aq o hindi. pihadong nagyoyoga n nman si so yeoung s salas. buti nman at iniwan nyang bukas. mlpit n mag 8:30, malapit n mag majika. hindi n nman makakapanood cla ate cel dahil s pagyoyoga ni so yeoung. ginagamit kc nya ang tv s pagyoyoga bilang kanyang yoga instructor.

dumeretso aq s kwarto upang makatikim muli ang binabanas qng katawan ng aircon. ordinary lng kc ang sinakyan qng bus knina. hindi n aq makapaghintay ng aircon dahil masyado aqng gagabihin. andun c teacher alma, te cel at ate. huh? may conference yata. naglalaro n nman cla ng word factory. mrami aqng gustong ikwento s knila kso hindi nman kmi close. magtanong nlng cla kung meron clang gustong malaman. mas mabuti pang s blog nlang aq magkwento.

nahiga agd aq ng maaga. iniisip prin ang blog. ano kya ang isusulat q? simulan q kaya s pagsakay q s mrt knina? kso baka mabato ang magbabasa. siguradong hahaba ang blog q.

tiningnan q ang celfone q kung may nagtxt. aba, 3 messages received. wlang pagkakakilanlan ang unang 2 magkaparehong mensaheng natanggap ko. parang may xerox copy a. unlimited yata ang ngtxt. "Gudpm pu. cnsya pu s abala. ask q lng po kung may number k ni KC s fone u. tnx." prang cel number ni mark 2 a. binubura q kc ang number ni mark pra hindi aq matuksong kulitin siya s txt. kilala q ang mga letrang ito. ito ang mga letrang mtagal q nang hinihintay n mabasang muli s celfone q. aba, nkitxt p kay mark. a kc globe n cia. bka unlimited cia s globe kaya nakitxt cia s smart. binasa q muna ang pangatlong mensahe. "Ei guys pls get ur fud d2 kla asher.. invyt pipol 2 buy dn.. Pls patronize our fundraising.. We rily nid money.. Pls reply.." pra ang asong sumunod agad s pls reply. "te phoebe, wla aq s elbi ngaun e." teka, c te phoebe nga b un. un kc ang number na ginamit ni te phoebe nung ngtxt cia sken dati. bka nkitxt lng dn cia. nakakahiya kung hindi cia.

sinagot q ang unnamed txt n iyon. kilala q cia pero hindi prin aq gnun k cgurado. ano kya ittxt q.. wla nman kc s phonebook q. "hus kc? anyway, i dnt know him. gudnyt." nku, baka babae. siningitan q ang mensahe ng "or rather her." parang ang taray ng sagot q. inedit q ang mensahe. "sory, i didnt know him.. or rather her. gudnyt." sabay send. pakialam q nman s kcng un. cno b un? peyups kaya un. bkit aq p pngtanugan nito. nakasilent ang tone ng celfone q. kaya pagkatapos q p magmuni-muni, ska q plang binasa ang reply n knina p yatang dumating. "ung pinsan q. ___ po ito. sensya n po s abala." pinili qng hindi magreply. kunwari bc aq at ayaw paabala. kunwari pagod aq khit hindi nmn tlga aq gaanong napagod s byahe. minsan q n ciang hinayaang abalahin aq. kahit marami akong exams noon. ngunit nandon prin ang mga kwentong nais q ibahagi s kanya. "napakinggan mo n ba ung bgo ng hillsong? United we stand album? may nadownload aq. gusto mo ng kopya?" pigil n pigil aq s pagreply.

alas onse y medya n ng gabi. naglalaro nman ng abstract reasoning ang tita q at ang teacher ni so yeong ng english. ngtxt c kua arthur. "Gudnyt!Ü." nagreply aq. "Gudnyt dn po! Slip tyt!Ü kua, txt mo q s sat h! Uwi kc q e. Tenks.Ü." sending message.. Check operator sevices. buti nlang check operator. hindi nq magiisip kung magrereply pq o hindi. wala na qng choice.

alas dos n. pinuyat nya q s pagiisip. naabala n nman niya aq.